Monday, September 19, 2011

Sa Tutuo Lang

 Sa tutuo lang masaya kami nuon kahit mahirap lang kami. Kahit hindi maganda ang bahay namin basta pag-aari namin, ng magulang ko ang bahay at lupa! Masayang masaya kaming lahat dahil suerte naman kami sa pagkakaroon ng magulang na lubos na nagmamahal sa amin. Sa tutuo lang sa sobrang tiyaga nilang mapabuti ang kapakanan naming lahat na mga anak nila they both worked so hard to send us to school.

 Magdil-dil ng asin? Hindi uso sa amin yun kasi naman meron kaming garden. The garden produced lots of vegetables that we need to have for our viand. Noon meron kaming maliit na fish pond dating kangkungan yun then naging pond for tilapia. Then meron din small pond ma may kuhol.Kaya lang ang lalaki ng kuhol na yun. Pinababayaan lang naming gumapang sa wall. Minsan nga nasa bintana na eh. Oh my God nakakatawa ang life namin nuon. Unforgettable talaga. Kung icuento ko lahat-lahat sa inyo ay baka mainis ka na sa sobrang haba. Naipost ko lang ito dahil type ko lang. Gusto ko lang sabihin doon sa mga "magna" na lubayan na nila ako at wala silang mananakaw sa akin. Mahirap din ako. Sino bang mayaman? Kung mayaman ba ako mag-abroad pa ba ako? Kung mayaman ako I will be living in luxury sa Philippines na lang with too many maids in waiting for my command. Caso andito  nga ako sa country na wherein you have to do all the work at home kahit na may mga machines to help you clean the house or clean the dishes. Iba ang life dito. Walang prinsesa dito na paupo-upo lang. Walang prinsesa na nakaupo lang sa tasa.


 O heto naman ang Mother ko. Retired na sya. Mahaba rin ang sinacrifice nya sa pagtatrabaho. Civilian employee siya sa hospital,  siempre katulad ng Father ko matalino, mabait at kagalang-galang siya bukod na sa maganda pa. Ako? Nagmana ako sa kanila. Saan pa ba magmamana ang anak? lol OMG! J/K


Retired na rin ang Father ko. The best Father in the world. The great provider. Genius and brilliant. Heto siya resting on the wooden bench looking at the many orchids hanging in the garden. As usual he is a man with great humility although he originally came from a very prominent and influential family in the province.

No comments: