Tuesday, May 15, 2012

Who's The Smart One?

May mga taong hindi ko gusto lalo na ang pagmumukha. Meron din namang nakakasuklam dahil na rin sa ugali. Masamang attitude at yung mga taong very annoying at nananadya sa masamang attitude and bad habits nila. Nakakairita. Nakkabwisit ng araw. Yan yung mga taong walang konsensya o dahil na rin inis din sila? Ayaw nila sa lugar na ito dahil sa akin? Or dahil ayaw nila ng macuento na tulad ko? Oo nga pala hindi pala ako dapat magsulat or mangontra kung ano mang merong sekreto sa buhay nila. Ewan ko ba kung anong papel nila sa buhay ko or anong life meron sila? Inggit ba sila? Inggit ba sya? Syanga pala hindi ko man lang sya nakitang ngumiti lagi syang nakasimangot habang dumadaan at hila nya yung tuta nya. Ewan ko ba kung timing lang na lagi doon sa may tapat ng bintana namin sya at yung tuta nya naglalagi at doon din nya dinadampot yung droppings ng alaga nya. Bahkethh no? Marami namang puesto! I mean and luwag ng daan. FGS!!!!!!! Ang daming vacant lot na puede doon sya at yung aso nya magdumi whatever. OMG! That's almost everyday. Imbierna si ako. Not only one or two but so many times na laging nagdadrop ng dumi yung aso nya sa may tapat ng bintana at yung time na nandoon ako sa harap ng bintana. What she think of me? Laboratory technician? Medtech? That I need those droppings for specimen? Hindi ko alam kung sino ang may utak yung aso ba o yung tao? Tao or aso? Cute sana yung tuta nya. Sige aso na lang kasi hindi na cute pag ganun lagi. Sya ang may hawak ng renda eh di sya dapat ang magsueto sa alaga nya to choose the right spot di ba? Oh my God! Paki-esplika nga yan. O baka inis na sya sa buhay nya dahil everyday ganun ng ganun silang dalawa ng alaga nya ang bida ng kalsada. Dapat sa kanya turuan ng leksyon or yung tuta na lang ang turuan? Sino sa palagay mo ang smart? He he! Yun na mismo who's the smart? The puppy or the owner of the puppy?

No comments: