Sunday, May 16, 2010

Shockkkinggg! Nayanig ako when I looked at the mirror last nite. lol. Iba ang face ko doon sa isang mirror. Bakit ganun? So I went back to the bathroom where another mirror is located. then to the next mirror in the second room okay naman ang image ko but then dooon sa latest na mirror na kabibili ko pa lang ay iba ang dating ng face ko. Bakit ganun? Something is wrong! Doon sa 2 mirror ay medyo slim ang katawan ko pero dito sa bagong mirror ay ang taba taba ko na parang punggok ang dating. Ahahahahah! I just couldn't help but laugh. Parang unano hehehehehe! yan yung tinatawag na 'Nano technology. Bwahahhaha.

What I did after that is I changed the position of the new mirror. Put it on a different angle in another wall not at the hallway but where the light is kasi the light in that area is so blurry kasi. Then okay naman tama lang naman ang reflection at image. Uhm yun pala nasa anggulo lang pala yun. Or dahil the new mirror that are available in the department stores now doesn't have enough silver backing. That's what it is.

Kaya pala mas maganda ang mga kuha sa webcam kaysa sa camera dahil na rin sa special lightings at sa megapixels that accompanied the new digital camera. Eh sa tutuo lang mas maganda pa ang kuha ko sa mga pictures noon. Sabagay NOON ay mas bata pa ako. Iba na rin kasi pag matanda na. Isa pa di naman ako artista para magpaganda. May kasabihan nga na kung maganda ka nung baby ka eh di maganda ka rin pagtanda mo maliban na lang kung nagparetoke ka ng mukha mo. Halata pag niretoke ang face no. Tulad nung iba dyan nagpabanat ng mukha pero yung leeg ay kulubot na kulubot na. Then tingnan mo yung kamay at kulubot na rin preo yung mukha ay bata. Ano yun? Ewan sa vanity. Pag datan na datan na talaga. Heh! Tama na yang pagandahan. Kaya ako kuntento na ako sa mukha ko kahit ganito ako. Kahit mataba ako at cute. Ay nakakatacute pala.

Nagpapicture ako doon sa shop doon sa downtown tinanong ko yung mama kung marunong ba syang kumuha ng picture dahil doon sa unang pinuntahan ko ay maraming kaletsehan. Alam mo bang yung studio nya ay napakadilim kulang sa light, then ang liit pa ng studio nya parang cubicle lang. Then ang kuha pa nya ay napakalapit. Eh anong labas ng face ko nun? parang nang- iinis. Ewan ko ba kung bakit pinahawak pa ako ng parang bilao or bilog na cardboard ba yun or what di ko maispelling ah. Parang yung tulad sa Wild wild west ni Will Smith. lol.  Grabe! Sa tutuo lang parang may kalokohan ang mamang yun. Siguro galing mental. Muntik ko ng matadyakan. Alam mo naman ako may pag ka Jacky Chan. Sa tutuo lang di sila professional photographer dito. Mahina sila sa photography. Buti pa yung husband ko at magaling kumuha ng picture eh.

Nung nasa HK naman kami panay din ang papicture namin, kung saan saan, basta may building, sa harap ng hotel, sa restaurant, sa HK University, sa Mark & Spencer lagi doon kasi yun ang favorite store ko doon. That's where I bought my stuffed toys, back pack, bags and shoes and perfumes. Type ko ring magshopping sa Sanrio gift shop dahil isang block lang ang lapit sa tinitirhan ko. Hay naku miss ko na ang HK kasi malinis doon at maraming tourist attractions, the weather is great, higit sa lahat friendly ang mga tao doon. Siguro dahil mukha akong intsik. Yun siguro ang dahilan dahil d2 sa Can. ay iniisnob ako ng mga puti. Tse!

No comments: